Tag Archives: relasyon
Ang Taong Walang Bakasyon
Tinuruan nya ko kung paano magbakasyon. Dahil hindi ako marunong magbakasyon dati. Ibig kong sabihin, alam ko ang kahulugan ng bakasyon pero hinding hindi mo ako mapapagbakasyon. Hindi mo ako mapapag-beach. Hindi mo ako mapapa-Baguio. Hindi mo ako mapapasakay ng … Continue reading
Love Sick Love
Pambihirang nakakapagsulat pa ako ngayon ng isang blog gayong ako’y kasalukuyang nangangatog sa aking cubicle dahil sa pagragasa sa’king katawan ng isang matinding love-nat. Oo, merong love-nat at sa totoo lang, masyadong matapobre ang agham upang hindi nito utusan ang … Continue reading
Filed under Life, Love, Random Thoughts
Kung ‘Di Naging Tayo
Kung ‘di naging tayo, Kahindik-hindik! Makatindig-balahibo! Hindi mo nanaising Matulad sa’kin ang kahit sino Kung ‘di naging tayo Gigising ng alas kuwatro ng umaga Bababa sa kama ng may toyo Bababagsak sa silya ang puwit na butu-buto Titingalain ang orasan … Continue reading
Filed under Poems
Good Night
Itutulog ko na lang itong pangungulila ko sa’yo dahil ayokong maapektuhan ang kalusugan ko at madiskaril ang aking pagpapataba. Malaki na rin ang itinaba ko at ipinagmamalaki ko ito dahil alam kong mas malamig akong tingnan pag mas may laman … Continue reading
Filed under Life
Oras
Pwede bang ‘wag ka nang magtampo dahil malapit nang magunaw ang mundo? Hinog na kasi ‘tong maliit na mundong ginagalawan natin, pero hindi parang isang atis na siniksik lang sa sako ng bigas — hinog sa pilit. Itong sa’tin, maganda … Continue reading
Palaisipan
Lumulukso, lumulubog, lumalaktawMasundan langHinuhulaan, inaabangan, kinakabahanKumalma langTinatanya, pinipiga ang simpatyaLumingon lamangHinaharap, hinahabol, hinang-hinaUmaga lamang,Niyakap pa, ilang oras, bastusan naUlong kinalawangNawiwindang, nagba-blangko, nagniningasHindi mabilangMga nasasayang, kabi-kabilaang mga kapraninganLubus-lubusangSinasagad, binababad, binibiladSa init ng pulangBumabakat, walang puknat, kumakalatNangangati nangGumapang, mabuwang, tumiwalagIsipang tigangSumusuka, … Continue reading
Isang Bukas na Liham Para sa Babae sa Himpapawid
Kay Sharaming: Takot ako na sinasabing swerte ako dahil pag sinasabi ko yun, minamalas ako: nakakatapak ako ng tae o kaya biglang naghihingalo ang wallet ko. Totoo, lagi yung nangyayari kaya hanggang ngayon, ayoko man lang isipin na swerte ako. … Continue reading
Sana May Kabuluhan
Tingin ka naman sa’kin. Kahit isang irap lang. Alam mo namang sa gitna ng usok ng mga tambutso, busina’t radyo, mga mata mo lang na tutok na tutok ang magpapakalma ng aking sistema. Siguro dapat kang gawan ng billboard na … Continue reading
Filed under Love
‘Wag Mo Muna ‘Kong Burahin
‘Wag mo muna ‘kong burahin! Naghahalungkat ka ba ng eraser? Tigil. Hinga ng malalim. Buhos ng tubig Sa baso kahit walang lamig. Lunok. Hep! Hep! Pero hindi kita tinuturuang lumunok. Ang kailangan yata natin ay humigop Ng sabaw ng tinola, … Continue reading