Natulog sa Damuhan

Nakakaantok. Nakakahilo; gustong tumihaya sa basang damo.

Nakatitig sa mga sangang nakayuko. Sumisilip ang mga bituin, walang hinaing.

Hayaan na lang natin, ipagpaubaya sa mga multo. Hindi nila tayo gagalawin.

Wala naman silang pakialam sa mga mortal, sa kanilang mga luha’t dalamhati.

Wala silang pakialam sa’kin.

Salamat.

Nakakaantok, nakakahilo lang. Dalhan mo ako ng basong malamig at lalagok lang.

Akyatin nawa ng lamig ang aking ulo na handang ipaubaya sa mga engkanto.

Sapagkat hahayaan ko lang naman. Hindi nila ‘ko gagalawin,

At ‘di ko rin naman sila papansinin, hihilata lang, maghihilik lang nang tulo-laway.

Wala naman silang pakialam sa’tin.

Wala namang nalalaman,

Wala.

Leave a comment

Filed under Poems

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s