Isang Bukas na Liham Para sa Babae sa Himpapawid

Kay Sharaming:

Takot ako na sinasabing swerte ako dahil pag sinasabi ko yun, minamalas ako: nakakatapak ako ng tae o kaya biglang naghihingalo ang wallet ko. Totoo, lagi yung nangyayari kaya hanggang ngayon, ayoko man lang isipin na swerte ako.

Pero kahit anong gawin ko, hindi mapagkakaila na swerte talaga ako sa’yo. Daig ko pa ang nanalo sa lotto, naging champion sa sabong, nabigyan ng uno sa algebra, nakapulot ng isandaang libo, o na-cast sa bagong Harry Potter film. Sa pagdating mo, hinandugan ako ng tadhana ng isang ginintuang tsansa para tunay na maging masaya.

Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung anong nakita mo sa’kin. (Pag may nagtatanong sakin dati ng “Marvin, may girlfriend ka na?” Ang lagi kong sagot, “Wala pang nabubulag eh,” o kaya isang beses, “Wala pang nabubulag na aso eh.” na sya namang kinagulat ng pinagsabihan ko. “Ba’t naman aso?”) Siguro mali lang talaga ang tingin ko sa aking sarili ng mahabang panahon. Pwede mo naman akong tratuhing parang chewing gum sa semento katulad ng iba, pero hindi. May nakikita ka sa akin, kaya nagagawa ko ring maniwala na may maaaninag nga dito sa loob ko.

Anu’t ano pa man, hindi kwestyon kung anong namamalas ko sa’yo. Winasak mo ang ideya ko ng kung ano ang kagandahan at naipakita mo ng maliwanag kung gaano ako kababaw. Hindi mo kailangang maging tisay, chinita, mahinhin, maayos o malasanto para maging maganda, kailangan mo lang maging natural. At dahil ikaw ang pinakamanatural na nilalang na nasilayan ko, mas natural pa sa pagsikat ng araw sa silangan at paglubog sa kanluran, mas natural pa sa beach addiction ng mga tao, ikaw rin, walang duda, ang pinakamagandang nilalang na nakita ko.

Alam ko bwenas ako dahil pinapangarap ko lang ito noon. Dati, tinitingnan ko lang ang mga litrato mo sa Internet. Napapa-iling lang ako katulad marahil ng sanlaksang iba pa ngayon. Oo, inisip ko kung gaano kaswerte ang boyfriend mo at mga magiging boyfriends mo, pero hindi ko talaga nakita ang sarili ko na pupuno sa espasyong iyon. Para ko na rin sigurong inisip na madi-discover ako habang naglalakad sa MRT station at gagawin akong host ng ASAP. Wala. Wala talagang tsansa na pansinin ng isang katulad mo ang isang katulad ko.

Sinasabi ko ito dahil ayokong malimutan kung ano yung milagro, kung bakit ako nandito ngayon. Merong walang hanggang pasasalamat sa puso ko na nais kong manatili habang hindi pa ko tinatamaan at tinutumba ng swine flu. Kaya naman sa bawat minuto na kasama kita, gusto ko laging iparamdam sa’yo kung gaano ka kahalaga sa akin. Akala mo ba natuyo na yung katangi-tanging puting rosas na binigay ko sa iyo? Hindi pa. Patay na yung halaman pero yung tunay na ugat ng bulaklak na iyon, nandito pa, sariwa at dala-dala ko lagi nasaan man ako.

Ang alam ko lang, gusto ko lagi kang nakangiti at nakatawa. Gusto ko yung ngiti mo, mula Ilocos Norte hanggang Greece. Pag naniningkit yung mga mata mo dahil sa sobrang kakatawa, gusto kong patawarin si Gloria sa lahat ng kasalanang ginawa nya kasama na yung boob job. Ewan ko ba, pero kapag masaya ka, alam ko, isang pribilehiyo ang mabuhay.

Kung sumasablay man ako minsan na ipakita kung gaano ako nahuhumaling sa iyo, yun ay dahil tao lang ako na nagagalit at nakakalimot. Pero nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng talento upang mag-isip. At tuwang nag-iisip ako, isang kongklusyon lang ang nararating ko: mahal kita at maligaya ako sa piling mo.

Ngayon, nasa himpapawirin ka na. Pabalik ka mula sa malayo mong paglalakbay. Umiiling nanaman ako ngayon pero hindi na dahil sa tingin ko ay wala akong pag-asa sa’yo. Umiiling ako ng nakangiti dahil pauwi ka ngayon sa’kin.

Naghihintay,
Marbeng

PS: Pakisabi sa piloto, bilisan nyang mag-drayb. Naiinip na ko sa yakap mo at naiinip na ang buhangin ng Putipot sa mga paa natin.

Share

8 Comments

Filed under Life, Love

8 responses to “Isang Bukas na Liham Para sa Babae sa Himpapawid

  1. magnifika

    Hon!!!!!! :((

  2. moonwalkerwiz

    Why are you going crazy? Don’t lose your mind because I want you to understand every word that I say. 🙂

  3. dk

    alam ko na para sa inyong dalawa ang post na ito pero mag ko comment ako kasi kinikilig akoooooo for you both. hehe

  4. joemarie

    ilove you too monica mahal na mahal kita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s