Food Poisoning

Ako’y tila lumpiang ubod. Ambilis kong mapanis. Maiwan mo lang akong nakatiwangwang sa ibabaw ng mesa ng kinse minutos, amoy utot na ko. Kainin mo ‘ko’t mamimilipit ang mga bituka’t atay mo. Daig mo pa ang asong nagkakalkal ng basura sa umaga ‘pag nagkalat ka sa inidoro. Hindi kita titigilan hangga’t di mo pa nailalabas lahat ng labong at giniling, kamatis at bawang, at ‘di pa naririnig ng kapitbahay ang lindol at dagungdong ng puwit mo. Kasi masama akong mapanis. Ospital talaga ang diretso mo, sa ICU ka itatakbo ng naka-stretcher at diaper kung sa’n papalanghapin ko ng mamasa-masang kabag kahit yung mga doktor na may takip sa ilong. Wala silang takas sa kapanisan ko. Matataranta lahat ng kaibigan mo, akala mamamatay ka na. Pero di ka naman mamamatay. Matatae ka lang ng timba-timba. Kalimutan mo na ang Diatabs.

Leave a comment

Filed under Poems

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s