Alam

Hay, mga magulang

Magugulang

Mga lihim

‘Di mabilang

Nagbabawal

Nagbubusal

Mga anak

Ginagawang kawal

Para daw tumuwid

Matanim sa isip

Tamang landas

Na ‘di nila batid

Para daw sa ikabubuti

Sa ikaliligaya

Sa ikasasagana

Ng kinabukasan

Ng bawat isa

Subalit pano kikilos

Hahakbang pasulong

Kung ang  kahapo’y

Malansa pa sa isda?

Hay, mga magulang

Nagtatanghal

Sa entablado

Pinapalakpakan

Ng mga kaibigan,

Kapitbahay,

Kamag-anak

At ng demonyo

Mismo.

Hay, mga magulang

Kelan kayo magigising

Na ‘di nyo na hawak

Ang tinig ng langit?

Kelan nyo mababatid

Na kayo’y nagkasala’t manhid

At nilapastangan nyo

Ang sarili nyong mga paslit?

Hay, mga magulang

Hay, mga magulang!

Sa dami ng lihim

Walang mapagsidlan

Tumatapon

Umaalingasaw

‘Di malilibing

Ng mga araw

Kayong dating tinitingala

Hinahagkan sa kamay

Nanay, tatay

Anong nangyari

Sa’ting buhay?

Bakit

Pinupuno nyo kami

Ng katakut-takot na luha’t

Panghihinayang?

Leave a comment

Filed under Life, Poems

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s