Cool Ka Lang. Bawal Magmura.*

Cool ka tangina ka. Bat ganon? Dapat bawal yung ganyan eh. Dapat bawal yung sobrang ganda na, sobrang cool pa. Angdaya lang, parang bumbay. Katarantaduhan ng tadhana yan eh. Ilang panget na losers na walang talent kaya ang iniluwal sa mundo dahil sa batsa-batsang ka-coolan na binuhos sa’yo ni Bathala? ‘Di mo ba naisip yun? Malamang hindi. Kasi ang mga taong pinaka-cool, yung ‘di alam na cool sila. Yung walang kamalay-malay na para na silang Roman gods and goddesses sa mundo ng mga barbaro’t alipin. Ganon ka tangina ka.

Walang katarungan dyan eh. Habang ang ibang normal na tao nagpapaka-trying hard para maging kalog at chillax at kasikmu-sikmura ang profile pic sa Facebook, ikaw umutot ka lang, astig na. Kabalbalan yan. Wala ni kapiranggot na hustisya dyan. Pumuputok ang ugat ko sa batok pag naiisip kong pinalaki kang ganyan kaporma at kagara ng mga magulang mo. Wala na! Game over! Luging-lugi ang buong kwarto pag pumasok ka na. Sayo na lahat ng atensyon; yung iba biglang nago-auto-KSP mode para mapansin mo man lang. Iyo na eyeballs at kwentong kuchero ng lahat ng nandon. Wala ka namang ginagawa ina ka. Nag-exist ka lang! Yun lang ang contribution mo lagi! Pero laging ok na yun at sobra pa–tangina!

Kung ganyan ka kalupet, ano pang mapapala namin pag bumalandra ka na? Ano pang silbi ko? Ano pang kaya kong gawin laban sa ka-coolan mong hayup ka? Putangina ‘di ka pa ba nakapanood o nakabasa ng mga istoryang heaven-and-earth, langit-at-lupa ang pagitan ng mga tao? Ganon tayo eh, leche ka. Para kang kendi sa tindahan na ‘di ko naman kayang bilhin kasi wala akong barya pero naka-display ka pa rin. Wala kang awa. Angcute mo pero mas malupit ka pa kay Odette Khan sa original na Valiente. Bat naman mabubuhay ka nalang sa mundong ibabaw, eh sa ibabaw pa talaga ng buong sangkalupaan? Bat naman nakatapak ka pa talaga sa likuran naming mga busabos? Para kang si Faye sa Okay Ka Fairy Ko pero at least si Faye nainlab pa sa tigalupa. Eh ikaw inamo ka? Posible ba? ‘Di naman ‘di ba? Peste!

So walang kwenta. Wala kang kwentang pag-aksayahang isipin at sulatan at pag-alayan ng pukinanginang kahit na ano. Eh kahit naman ibuhos ko savings ko sayo ‘di naman ako makakatsamba man lang ng kiss eh. O bear hug. O holding hands man lang. O eh ano pang saysay nun? Pambili ko na lang ng pagkain yun mabubusog pa ko. O di kaya ipunin ko na lang pambayad ng Meralco’t Internet, may porno pa ko. Manyak? Tangina kaya may mga manyak sa mundo dahil sa mga cool na mga tarantadong tulad mo! Kaya halos lahat ng lalake nagsasariling-sikap kasi sa totoong buhay, anghirap sungkitin ng mga lecheng katulad mo! Kawawa naman kaming mga kinupal ng kapalaran dahil masyado kang binwenas sa tsamba kang lintek ka!

Kaya sige na, alis na. Parami ka pang putragis ka at nang kumalat ang cool at maganda mong lahi sa mundo. Magpaparami din ako para mas maging malinaw ang linya sa kung sinong cool at hinde, normal at special, commoner at royalty, pesante at panginoong may lupa, peke at original! Sige, humayo ka nang gago ka. Angcool mo. Masyado kitang crush taena ka.

_______________________________

* This one’s not written about or for a real person. It’s just an exercise in free writing and cursing. Although cursing itself is freedom.

5 Comments

Filed under Uncategorized

5 responses to “Cool Ka Lang. Bawal Magmura.*

  1. So this one’s fictional, too? :p

  2. @Ry: Ayoko baka sabihin andami kong isyu sa isang tao. Kaya fictional yan! =))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s