Tag Archives: malikhaing pagsulat

Pasok Lang sa Gitna

Pasok, labas
Hanggang tubuan ng puting balbas
‘Di yayaman, magkakautang-utang
Hanggang matigok ng may limang anak.

Isang bumbay na mayaman
Isang edukadong iskwater
Magtatagpo sa isang malamig pa sa bangkay
Na call center

Ilang buwan lang empake nanaman
Di ka pa nakaporma sa cute mong officemate
Nasibak ka na kaagad
Dahil sa BPO, ‘di dadami ang torpe sa Pinas.

Inom sa Biyernes
Isaw, langaw, sukang di matapus-tapos
Pagdating ng Lunes, tingin sa Biyernes
Isaw, langaw, sukang di matapus-tapos

Kape, yosi, alak
Suka, tae, pera
Pilipino, Bumbay, Kano
Kape, yosi, alak

Apply sa Makati, Eastwood, Ortigas
Ayaw sa Jollibee, Mcdo, Chowking
Hindi rin nurse, dancer, domestic helper
Pera, pera, pera

Hindi inakala ang kahihinatnan
Akala dati magiging abogado (Gago!)
Ngunit ngayon ipit na ipit sa MRT
Sandal-ulo sa basang kili-kili

Pasok, labas
Hanggang matuyot ang utak
Iiwan ng iba, malilimutan ng lahat
Pasok, labas, pasok, labas, anak lang ng anak.

2 Comments

Filed under Poems

Alam

Hay, mga magulang

Magugulang

Mga lihim

‘Di mabilang

Nagbabawal

Nagbubusal

Mga anak

Ginagawang kawal

Para daw tumuwid

Matanim sa isip

Tamang landas

Na ‘di nila batid

Para daw sa ikabubuti

Sa ikaliligaya

Sa ikasasagana

Ng kinabukasan

Ng bawat isa

Subalit pano kikilos

Hahakbang pasulong

Kung ang  kahapo’y

Malansa pa sa isda?

Hay, mga magulang

Nagtatanghal

Sa entablado

Pinapalakpakan

Ng mga kaibigan,

Kapitbahay,

Kamag-anak

At ng demonyo

Mismo.

Hay, mga magulang

Kelan kayo magigising

Na ‘di nyo na hawak

Ang tinig ng langit?

Kelan nyo mababatid

Na kayo’y nagkasala’t manhid

At nilapastangan nyo

Ang sarili nyong mga paslit?

Hay, mga magulang

Hay, mga magulang!

Sa dami ng lihim

Walang mapagsidlan

Tumatapon

Umaalingasaw

‘Di malilibing

Ng mga araw

Kayong dating tinitingala

Hinahagkan sa kamay

Nanay, tatay

Anong nangyari

Sa’ting buhay?

Bakit

Pinupuno nyo kami

Ng katakut-takot na luha’t

Panghihinayang?

Leave a comment

Filed under Life, Poems

Kung ‘Di Naging Tayo

Kung ‘di naging tayo,
Kahindik-hindik!
Makatindig-balahibo!
Hindi mo nanaising
Matulad sa’kin ang kahit sino
Kung ‘di naging tayo

Gigising ng alas kuwatro ng umaga
Bababa sa kama ng may toyo
Bababagsak sa silya ang puwit na butu-buto
Titingalain ang orasan habang naglalaba si nanay
Gabi pa sa labas
Nauna pa ko sa manok

Kung ‘di naging tayo

Haharap sa salamin
Parang galit sa sariling imahe
Nagngingitngit sa mga tigyawat
Ihahanda ang matatalas na kuko
T-shirt na pampahid ng berdeng nana

Aray

Kung ‘di naging tayo

Continue reading

2 Comments

Filed under Poems

Cowboy na Kumakain ng Pizza sa Ortigas

Isa sa mga pangarap ko ang sumakay ng kabayo habang kumakain ng mainit, mabango, malaman, maalat at maasim-asim na pizza. Eh kasi naman, ‘di pa ko nakakasakay ng kabayo sa ta’ ng buhay ko, pero mahilig ako sa mga cowboy films kung sa’n laging nangangabayo at namamaril ang mga bida sa harap ng papalubog na araw, pwera lang Brokeback Mountain. Gayundin, mahilig ako sa pizza kasi angsarap-sarap nito at angmahal-mahal. Kadalasan nga, parang nagpapasarap sa kanya yung presyo nya. Gano’n naman yata lahat ng bagay.

Gusto ko talagang magsuot ng cowboy hat, sumampa sa kabayo, umakyat sa isang cliff, at dahan-dahang masdan ang kabuuan ng mundo sa aking mga paa at mga kuko ng aking kabayo. Bigla ko lang naisip, mas ok kung papangalanan ko ang kabayo ko na “Matias.” Kulay tsokolate sya at nag-aapoy ang mga mata lalo na pag may nakitang makikinis na kabayong babae. Si Matias at ako — naka-cowboy hat — sa tuktok ng isang cliff, pinapanood ang buong daigdig — ‘di ba’t kayganda?

Tapos sa loob ng sukbit kong bag, huhugutin ko ang isang kahon ng mainit, mabango, malaman, maalat at maasim-asim na pizza. Hindi ko masabi kung anong brand basta kasinglaki sya ng Sbarro, kasinglasa ng Yellow Cab at kasing-arte ng Pizza Hut, may stuffed crust at kung anu-ano pang pampabongga. Ginamit ko yung salitang “bongga” pero hindi ako Brokeback. Tawagin na nila akong homophobic pero isa akong tigasing cowboy na kumakain ng umuusok na pizza sa tuktok ng isang cliff.

Tapos sasakyan ko si Matias hanggang Ortigas. Magkakatrapik-trapik dahil hindi sanay ang mga tao na makakita ng isang cowboy na kumakain ng pizza sa gitna ng kalsada. Maluluma kahit anong sasakyan, kahit yung pinakabagong model pa ng Ford o BMW. Kasi sa totoo lang, pare-pareho naman ang itsura ng mga kotse. Lumalaki lang, lumiliit, numinipis, lumalapad, nadudumihan, kumikinang — pero kotse pa rin, apat ang gulong, ang usok masakit sa ilong, at sayang lang dahil hindi makausad sa buhul-buhol na trapik ng Maynila. Eh yung kabayo ko, kabayo yun. Kulay brown at nag-aapoy ang mga mata lalo na ‘pag nakakakita ng mga makikinis na kabayong babae. Pagtitinginan talaga kami ng mga tao kasi espesyal kami at wala kaming brand. Continue reading

2 Comments

Filed under Random Thoughts

Kung Anong Dapat Gawin sa Mundo

Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Tumutulo laway
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Tayo’y naduduling
Walang mapagsumbungan
Walang mapagtanungan
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Hindi kita matutulungan
Hindi mo rin naman kasi ako kaibigan
Cute ka sana kaso
Ni hindi pa kita nabati kahit kelan
Kaya di bale na
Uwi ka na.
Iyak sa sulok.
Ako rin, magpapakabundat na lang.
Kung anong dapat gawin sa mundo.
Kung anong dapat gawin sa mundo.
‘Di ka pinapahalagahan ng syota mo
Wala ka kasing boobs
Pasensya, wala ko dyang malay
Si nanay puro na lang gulay
Pasko na puro pa rin gulay
Si lolo lantang-gulay
Buhay mo, buhay ko
Ninakawan na ng kapitbahay ng kulay
Kasi ‘di nya rin alam
Kung anong dapat gawin sa mundo.
Kung anong dapat gawin sa mundo.
Magaling ako sa pag-awit
Ikaw naman bihasa sa pang-aakit
Gusto kita.
Eh ano ngayon?
Tang-ina.
Lahat tayo gustong pumuntang Caribbean
‘Di naman natin maispel ng tama
Kailangan pang i-Google.
Leche, ambobo natin.
Nakakulong sa mausok na bahagi ng equator
Presidente natin adik sa vibrator
Tayo naman sa hentai
Puro paputok tapos hindi pwede boga
Sa Bagong Taon.
Kung ako lang, gusto kitang dalawin
Pero lagi na lang umaambon
Kalahating taon na.
Di ba kung ganyan nakakatamad?
Kung anong dapat gawin sa mundo
Mensahe
Kokote
Penge ng libre
Palimos ng kantot
Spare me the gusot
Taglish na nanunuot
Sa kaibuturan ng lipunang mahilig
Sa ingliserang mga mistisa at mistisong
Supot.
Wala ‘kong lente
Walang doktrina
Tira lang ng tira
Sa hangin. Laging may kasalanan ang hangin.
At matatapos nanaman ang araw
Sa dami ng nagbago pwede ka nang ilibing
Gago.
Asa ka pa, asa pa tayo
Ulitin na lang natin para saulo na natin ang mga linya
Masaya yun para tayong bata
Bagamat wala nang mabubuhay na bata mula ngayon
Imposible na dahil lahat ay magugulang na
Angganda kasi ng iPhone mo
Dami mong pera.
Dami nilang pera.
Dami nyong pera.
Lintek na wallet yan, ihulog mo naman.
Dami mong pera.
Maraming matalino
Daming creative, lahat photographer
Kulang ng sculptors
Kailangan ko ng bomba films
Hindi bomba sa Mindanao
Gaya ng lahat, mababaw lang kaligayahan ko
Yung gobernor, gusto lang nya maupo sa pwesto
Hangga’t maaari pati lahat ng mga apo nya
Hanggang matigok sya
Kasi angsarap mamatay ng makapangyarihan
Ganda ng iPhone mo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Tapusin ang isang buong araw ng pagtatrabaho
Magliwaliw sa Internet
Angsarap maging sikat
Sabik sa teknolohiya kasi sa labas ng opisina’y dugyot
Magsimba ka mag-isa mo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Mag-isa mo.
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Pakyu ka
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Sweldo ko pamasahe pa lang said na
Kung anong dapat gawin sa mundo
Leche gusto kita
Kung anong dapat gaw–
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kitaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
Kung anong dapat gawin sa mundo
Pero wala kasi kibit-balikat ka.
Dedma, may ibang liga.
Para kang real property sa US
Binebenta sa’kin ‘di ko naman afford
Sige na
Lipad na.
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Suko na ko sa
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong

Leave a comment

Filed under Poems, Random Thoughts

Hala Angsakit

Ma sa ya a ko ay ma sa ya ka hit hin di ha la ta da hil a ko ay na ka si ma ngot na na man sa u pu anTULDOK pe ro si nu nga ling daw a ko ka ya wa lang ha la gaTULDOKBAGONGPANGUNGUSAPMabilisakomagtayphanggangsanawwalanyungmgaspacs. Gusto kong maging lider ng hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm ano kaya. BLANGKO BLANKGO BLANGKO BLANGKO BLANGKONG ESPASYO. Espanya. Masarap don ang empanadang Ilocos. Brrrrooooomm! Bus. BrrrrroooooooooooommmmmmmmmmSTOPOVER
brooooooooooooooooooooooooooommmmmmSTOPOVERbbbbbbbbbrrrrrrrrrrrrrrrrrrr
ooooooommmmmmmmmmmmmmmmmmSTOPOVER ULIT—-paulitUlitulitulitulit. Nagpatuli daw sana ako ng maaga. Ba ka ma aga sa na a kong na tu to ng pag i BIIIIIIIIIIIIG atbakatumngkd. Maaaring nahuli ko Sana! Sya! Tangi! Ko! Lang! Namang! Sinta! !.!.!.!.!. >>>>>>>>>Labas na>>>>>>>>>>>>>>>>>>>hanapin ang>>>*&^%^$#^PINTO)(&(*&%^$&#. lika. dito tayo. akap. BAKA gusto mo lang na man. di ba? TikatakatikatakatikatakailangangmagbuhatnitongARAW-ARAW-ARAW-ARAWat magpamulsa. Angsaraaaaaaaaaaaaaaaap? Ba? Paraiso.Ya.TA.E.Angdikitttnakadiktsspatosk. yaaaAAAAAAAAAKKKKK* BOOM BOOM BOOM KABOOM —————tuuuut———dugDug———-DUGdug——–dug———-dg——d——–patay.

2 Comments

Filed under Poems