Tag Archives: Reason

Kabaliwan at Sibilisasyon: O Kung Paano Kami Nag-usapang Lasing ni Foucault Tungkol sa Pag-Ibig

Bago sya dumating dito sakay ng eroplano, nagbabasa ko ng Madness and Civilization ni Michel Foucault. Basically, tungkol yung libro sa nagiiba-ibang kahulugan ng “kabaliwan” sa kultura ng Europe mula sa Middle Ages hanggang sa 18th century. Halos wala kong maintindihan. Pero may mga kaunting tumatak sa isip ko na lalo kong naalala habang kasama ko sya rito sa maikling panahon.

Sabi sa libro, at the core of madness is passion and a flawless, perfected reason.

Passion. Kahit anong translation nito sa Filipino, magtu-tunog cheesy: silakbo ng damdamin, simbuyo ng damdamin, pagkahumaling, pagsinta. Kapag hindi nakontrol ng isang tao ang kanyang passion, maaari itong mauwi sa kabaliwan–at wala na sigurong mas may alam pa nito kundi ako.

Gigibain kong lahat nang pinaghirapan kong buuin sa tatlong taon pagkatapos naming natapos, at iiwan kong lahat ang meron ako kulitin lang nya ko ng tatlong minuto. Yung kakulitan na parang bata na sya lang ang nakakagawa. Wala saking nagbago. Ipagpapalit ko pa rin ang trabaho ko, ang common sense, ang hiya, ang tamang pag-iisip–makasama ko lang sya ng ilang saglit. Kahit pilit. Kahit parang ampalayang mapait.

Siguro may mga magtatanong, “Eh kung ganon, bakit mo ginawa pa rin eh alam mo namang wala na? Di ba mukha ka lang tanga?” Sa totoo lang, hindi ko alam. At wala akong pakialam.

Makakalimot ang mga tao, iikot ang mundo, iibig si Kris Aquino, iiwan si Kris Aquino, iiyak si Kris Aquino, at –bukas makalawa–iibig sya ulit. Darating ang araw, mauubusan ng sasabihin ang mga tao tungkol sa kanya at saken, pero ako, di ako mauubusan ng nararamdaman para sa kanya. Continue reading

2 Comments

Filed under Life, Love, Random Thoughts