Tag Archives: tula

Gunaw

20121220-213903.jpg

Gunaw.

Uulan ng apoy
Malulusaw
Lalamunin ng lupa
Mahuhulog nang mahuhulog

Sayo.

Hatol.

Deliberasyon ng mga poon
Sa hukuman ng wakas
Ng panahon; lilitisin,
Titimbangin

Sa harap mo.

Tadhana.

Sinulat magmula pa noong una
Di maaaring baguhin o isuka
Kahit gaano ka ninanais
Tinitiis, nagkukubli

Sa mga huling sandali.

Gunaw.

Uulan ng apoy
Malulusaw
Lalamunin ng lupa
Magpapatihulog nalang ng walang laban

Sayo.

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Writer*


Kain. Tulog. FB. Twitter. Inom. Tulog. Basa. Basa pa ulit. Type. Type ng Type. Sa totoo lang type kita. Sobra. Upo. Di makatayo. Naka-Mighty Bond ang pwet sa silya. Masaya. Malungkot. Emo. Cheesy. Lasing. Palagi. Beer. Shat. Cocktail. Cock. Tale. Maalam. Maalaala Mo Kaya. English. Speaking. Of the Devil. Konyo. Konyat. Burat. Alipin. Dyos. Copy. Article. Barnacle. Bar. Artsy. Daw. Marketing Pitch. Marketing Itch. Disenchantment Kingdom. Cum. Makulit. Literature. Bored. Barya. Di Bale Na. Si Batman. Nandyan Ka Naman. Inspirasyon. Sarap Mag-bakasyon. Puta. Masokista. Makina. Makinilya. Kompyuter. I Like Her. Really Like Her. Syet.

__________________________________________

*This is the poem in the background of the artwork I first published on my art blog, Frustrashow.

Leave a comment

Filed under Life, Poems

Bakit ka Breathtaking?

Bakit ka breathtaking?
Tuwing makikita, tangina, tantalizing!
Nasisilaw ako at ang pakiramdam ay numbing
Dinadaga ang dibdib sa sobra mong dazzling.

Di kumpleto ang araw, laging merong lacking
Pag ‘di ka nakita dahil ikaw ay missing
Hinahanap-hanap, parang mangangasong nagha-hunting
Masilat ka lang ng saglit kahit ito ay stealing.

Oo na! Nabighani na! Sa pagmumukha mong captivating
Di makapaniwala sa ganda mo kahit seeing is believing.
Nagcha-cha-cha ang tyan sa chuwing ika’y magpapa-charming
Pesteng buhay ‘to lagi na lang hanggang daydreaming.

So why is it–why are you so kamangha-mangha?
My jaw drops to the floor, in other words, napapanganga.
My eyes, lumuluwa
My heart, pumapalya
My lungs stop pumping air, it’s impossible to hinga.

I just can’t believe how your skin is so ganda
You probably shower well, not just with a single timba.
I always feel stupid, so hopelessly tanga
When I walk up to you and try to make my diga.

It’s just a crush, I know, a simple paghanga.
But goddamn! I’m writing a poem tonight, napapatula.
It’s all your freakin’ fault, your pagkakasala
That you’re the girl that you are, excessively pinagpala.

Kaya sagutin mo ako dahil ako’y inquiring.
Anong pakiramdam ito? Anong klaseng feeling?
Wala namang pag-asa pero eto pa rin hoping
Malay mo maka-jackpot at ako naman ang winning.

‘Til then I’ll wait, very matyaga
‘Cause I’ve got nothing better to do, nothing to gawa.
Keep on scratching my head, removing my lisa
And ask it one more time

Like a crazy praning,

Why are you so kamangha-mangha?
Bakit ka breathtaking?

Leave a comment

Filed under Life, Love, Poems

Free Fall

Na

ka

a

ngat

ang

pa

a

sa

e

re.

Na

ka

pi

kit

sa

sa

ga

sa

ng

ha

ngin.

Wa

lang

ma

ri

nig

ang

te

nga.

Wa

lang

ma

da

ma

ang

ta

lam

pa

kan.

Wa

lang

la

man

ang

pu

so

kun

di

ta

kot.

I

sang

bu

til

ng

du

mi

sa

him

pa

pa

wid.

Pu

pu

tok

na

sa

da

mi

ng

a

la

a

la–

sag

lit

na

si

lip

ng

la

ngit.

Hi

gop

ng

mun

do.

Ba

bag

sak

na.

Ba

bag

sak

ba?

Ba

bags

Ma

la

pit
na
,
pa
bil
isngpab
ilissasalpokna
sakongkretosasa
bogangulokkalatangu
taaaakaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh
SPLAT

3 Comments

Filed under Love, Poems

Pasok Lang sa Gitna

Pasok, labas
Hanggang tubuan ng puting balbas
‘Di yayaman, magkakautang-utang
Hanggang matigok ng may limang anak.

Isang bumbay na mayaman
Isang edukadong iskwater
Magtatagpo sa isang malamig pa sa bangkay
Na call center

Ilang buwan lang empake nanaman
Di ka pa nakaporma sa cute mong officemate
Nasibak ka na kaagad
Dahil sa BPO, ‘di dadami ang torpe sa Pinas.

Inom sa Biyernes
Isaw, langaw, sukang di matapus-tapos
Pagdating ng Lunes, tingin sa Biyernes
Isaw, langaw, sukang di matapus-tapos

Kape, yosi, alak
Suka, tae, pera
Pilipino, Bumbay, Kano
Kape, yosi, alak

Apply sa Makati, Eastwood, Ortigas
Ayaw sa Jollibee, Mcdo, Chowking
Hindi rin nurse, dancer, domestic helper
Pera, pera, pera

Hindi inakala ang kahihinatnan
Akala dati magiging abogado (Gago!)
Ngunit ngayon ipit na ipit sa MRT
Sandal-ulo sa basang kili-kili

Pasok, labas
Hanggang matuyot ang utak
Iiwan ng iba, malilimutan ng lahat
Pasok, labas, pasok, labas, anak lang ng anak.

2 Comments

Filed under Poems

Alam

Hay, mga magulang

Magugulang

Mga lihim

‘Di mabilang

Nagbabawal

Nagbubusal

Mga anak

Ginagawang kawal

Para daw tumuwid

Matanim sa isip

Tamang landas

Na ‘di nila batid

Para daw sa ikabubuti

Sa ikaliligaya

Sa ikasasagana

Ng kinabukasan

Ng bawat isa

Subalit pano kikilos

Hahakbang pasulong

Kung ang  kahapo’y

Malansa pa sa isda?

Hay, mga magulang

Nagtatanghal

Sa entablado

Pinapalakpakan

Ng mga kaibigan,

Kapitbahay,

Kamag-anak

At ng demonyo

Mismo.

Hay, mga magulang

Kelan kayo magigising

Na ‘di nyo na hawak

Ang tinig ng langit?

Kelan nyo mababatid

Na kayo’y nagkasala’t manhid

At nilapastangan nyo

Ang sarili nyong mga paslit?

Hay, mga magulang

Hay, mga magulang!

Sa dami ng lihim

Walang mapagsidlan

Tumatapon

Umaalingasaw

‘Di malilibing

Ng mga araw

Kayong dating tinitingala

Hinahagkan sa kamay

Nanay, tatay

Anong nangyari

Sa’ting buhay?

Bakit

Pinupuno nyo kami

Ng katakut-takot na luha’t

Panghihinayang?

Leave a comment

Filed under Life, Poems

Kung ‘Di Naging Tayo

Kung ‘di naging tayo,
Kahindik-hindik!
Makatindig-balahibo!
Hindi mo nanaising
Matulad sa’kin ang kahit sino
Kung ‘di naging tayo

Gigising ng alas kuwatro ng umaga
Bababa sa kama ng may toyo
Bababagsak sa silya ang puwit na butu-buto
Titingalain ang orasan habang naglalaba si nanay
Gabi pa sa labas
Nauna pa ko sa manok

Kung ‘di naging tayo

Haharap sa salamin
Parang galit sa sariling imahe
Nagngingitngit sa mga tigyawat
Ihahanda ang matatalas na kuko
T-shirt na pampahid ng berdeng nana

Aray

Kung ‘di naging tayo

Continue reading

2 Comments

Filed under Poems