Kabaliwan at Sibilisasyon: O Kung Paano Kami Nag-usapang Lasing ni Foucault Tungkol sa Pag-Ibig

Bago sya dumating dito sakay ng eroplano, nagbabasa ko ng Madness and Civilization ni Michel Foucault. Basically, tungkol yung libro sa nagiiba-ibang kahulugan ng “kabaliwan” sa kultura ng Europe mula sa Middle Ages hanggang sa 18th century. Halos wala kong maintindihan. Pero may mga kaunting tumatak sa isip ko na lalo kong naalala habang kasama ko sya rito sa maikling panahon.

Sabi sa libro, at the core of madness is passion and a flawless, perfected reason.

Passion. Kahit anong translation nito sa Filipino, magtu-tunog cheesy: silakbo ng damdamin, simbuyo ng damdamin, pagkahumaling, pagsinta. Kapag hindi nakontrol ng isang tao ang kanyang passion, maaari itong mauwi sa kabaliwan–at wala na sigurong mas may alam pa nito kundi ako.

Gigibain kong lahat nang pinaghirapan kong buuin sa tatlong taon pagkatapos naming natapos, at iiwan kong lahat ang meron ako kulitin lang nya ko ng tatlong minuto. Yung kakulitan na parang bata na sya lang ang nakakagawa. Wala saking nagbago. Ipagpapalit ko pa rin ang trabaho ko, ang common sense, ang hiya, ang tamang pag-iisip–makasama ko lang sya ng ilang saglit. Kahit pilit. Kahit parang ampalayang mapait.

Siguro may mga magtatanong, “Eh kung ganon, bakit mo ginawa pa rin eh alam mo namang wala na? Di ba mukha ka lang tanga?” Sa totoo lang, hindi ko alam. At wala akong pakialam.

Makakalimot ang mga tao, iikot ang mundo, iibig si Kris Aquino, iiwan si Kris Aquino, iiyak si Kris Aquino, at –bukas makalawa–iibig sya ulit. Darating ang araw, mauubusan ng sasabihin ang mga tao tungkol sa kanya at saken, pero ako, di ako mauubusan ng nararamdaman para sa kanya.

Walang lunas sa sakit ko.

Di ako kayang tulungan ni Freud o ni Jung. O ng kahit sinong albularyo sa kanto.

Narinig ko nang lahat ng argumento’t paliwanag pero wala ring epekto sakin. Dahil don mali ang mga tao. Walang tunay na nakukuha sa paliwanag sapagkat natural na matigas ang ating kokote. Meron lang nakakahuli ng kiliti. At sya lang ang may susi sa kiliti ko.

Isang titig o irap lang nya, nahuhulog ako sa balon ng kanyang isipan hanggang ayaw ko nang umahon. Meron syang paraan ng pagngiti na bumubura sa lahat ng problema’t isyu ko sa buhay. Pag hawak ko ang kanyang kamay, pakiramdam ko kaya kong harapin si satanas sa Octagon kahit wala akong alam sa mixed martial arts. At kapag naririnig ko syang tumawa, gusto ko lang magpasalamat na nandon ako para marinig ang boses nya.

Yun ang passion ko, at yun din marahil ang aking kabaliwan.

Flawless Reason. Ayon sa libro ni Foucault, sa kaibuturan ng kabaliwan ay perpektong lohika at pagrarason. Lahat ng walang saysay na mga paniniwala, mga kathang-isip na sitwasyon, realistic na halusinasyon, at abnormal na pagkilos ay nakapatong sa walang bahid na katwiran.

At ito lamang ang katwiran ko: mahal ko sya.

Mahal ko sya higit pa sa kahit anong lohika ng tamang pamumuhay. Mahal ko sya kahit saliwa sa mga dikta ng lipunan. Mahal ko sya kahit pagtawanan ako ng lahat ng mga dyos at santo sa kalawakan.

Baluktot na kung baluktot ang kinalabasan, pero wala nang mas tutuwid sa dahilan ng pagkabaliw ko sa kanya.

Not even the gods can break the Truth of the ultimate reason for my madness. My mad love for her is reason perfected.

I’m sure mukhang gago si Foucault kakatawa sa libingan nya dahil sa mga pinagsasabi ko. Kung buhay lang sya at nasa Paris lang ako, hahanapin ko sya para makainuman sa isang madilim at marungis na bar kung san pwede kaming abutin ng bukang-liwayway na basag at lango sa alak. Sasabihin ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko tungkol dito sa babaeng ito na hindi ko na yata matatakasan hanggang mahulog ang kalangitan. O “Hanggang makalbo ako tulad mo, Foucault.” Tatanungin ko sya kung may saysay pa bang mag-move on kung lagi namang may naiiwang malaking bahagi sa nakalipas–at sa kaso ko, parang kapiranggot lang yata ang natira sakin para sa kasalukuyan.

Chichikahin ko sya kung mas mabuti pa bang magmahal nalang rin ako ng lalake tulad nya. Baka mas madali. Wala namang masama don. Tutal iniwan na ko ng tanging babaeng pinakamamahal ko para sa Canada.

Matagal na.

2 thoughts on “Kabaliwan at Sibilisasyon: O Kung Paano Kami Nag-usapang Lasing ni Foucault Tungkol sa Pag-Ibig

  1. Salamat Bin, hindi mo pinagdamot ang oras mo sakin. Sobra sobra pa nga. ๐Ÿ™‚ Ang daming revelations netong pagsasama uli natin kahit one week lang, pero lahat positive, diba? Gusto ko na uli umuwi dyan, tapos pa-snatch uli ng cellphone mo! :))

    Miss na kita, teh! Labyu poreber! ๐Ÿ™‚

    -Chemae

  2. I miss you, too! Sundin mong lahat yung mga sinabi ko sa letter ko sayo ha? Then kapag ok ka na, balik ka rito and maybe we can start something new and stronger.

    Pinakamasaya ko pag kasama kita. I love you, too. ๐Ÿ™‚

Leave a comment

search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close